Get paid To Promote at any Location

Senin, 15 Februari 2010

PBB Big Winner Melai Cantiveros to her fans: ‘Kung wala kayo, wala ako dito’


“Kung ano’ng gustong gawin ko ng mga tao, gagawin ko,” ang bungad ng bagong Big Winner ng Pinoy Big Brother Double Up edition na si Melisa “Melai” Cantiveros sa The Buzz kahapon. Kuwento pa ni Melai sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, hindi raw niya inasahan na gustong-gusto pala siya ng mga tao at hindi niya nalaman noong nasa loob pa siya ng bahay ni Kuya.

Nang tanungin siya ni Boy kung ano ang pakiramdam ngayon na sikat na siya, ang sagot ni Melai, “Overwhelmed. Sobrang hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari. Ano ba talaga, totoo ba talaga ito? Thank you talaga kay Lord. Napakalaki talaga ng pasasalamat ko sa Panginoon. Salamat sa inyong lahat. Kung wala kayo, wala ako dito,” sunud-sunod na paliwanag ng dalaga from General Santos City.

Hindi rin niya ipinagkaila na ninais niya na sana ay siya ang manalo nang silang dalawa na lamang ng first runner-up na si Paul Jake Castillo ang natira. “Hindi naman talaga maiiwasan na maramdaman ‘yan kasi nasa inyong dalawa lang (ang mananalo) pero sa isip ko mayaman si Paul Jake so sa isip ko, siya talaga ‘yon (mananalo). Pero gusto ko talagang maging Big Winner. Sana ako na lang Lord,” ani Melai at nagkatotoo naman.

Pagdating naman sa kanyang napanalunang cash, balak daw i-donate ni Melai ang P100,000 sa charity sa kanyang lugar at magbibigay din sa kinabibilangan niyang youth organization. Gayunpaman, ingat na ingat daw siya sa paghahawak ng pera. “Gustong gusto kong magkaroon ng maraming pera pero ‘yung perang ‘yan baka ‘yung pamilya mo mag-away-away. Pero gagawin ko ang lahat para ang pera ko hindi pag-awayan. Minsan ang pera ‘yan ang root ng away. Ang sinasabi ko na lang sa sarili ko, ‘Melisa you can do it.’”

Nagpaliwanag rin si Melai kung anong nagustuhan niya sa kapwa housemate at ngayon ay boyfriend na si Jason Francisco, ang second runner-up ng PBB. “Totoong tao talaga siya ever since,” sambit niya. “Totoo talaga siya kasi hindi siya natatakot ipakita ang kanyang masasamang ugali ang kanyang mabuting ugali.”

Biglang itinanong sa kanya ni Boy kung handa ba siyang magpa-sexy kung hilingin sa kanya ng mga tao. “Mag-panty? Grabe naman ‘yon! Hindi bagay sa akin ang mag-panty, mag-shorts na lang,” sagot ng nakatatawang housemate.

Share