Jumat, 19 November 2010

GMA7, Nanguna sa Nationwide Ratings dahil sa laban ni Pacman!

Nanguna ang GMA Network sa nationwide ratings survey noong November 14 nang ipalabas nito ang laban sa boxing nina Manny ‘Pacman; Pacquiao at Antonio ‘Tijuana Tornado’ Margarito para sa WBC Super Welterweight title.


Ayon sa total day (overnight) people data ng AGB Nielsen, naunahan ng GMA ang ABS-CBN sa National Urban Philippines sa audience share sa pagtatala hr 45.8%, kumpara sa 24.1% ng ABS-CBN at 10.6% ng TV5.

Sa Urban Luzon na bumubuo sa 77% ng total urban TV household population sa bansa, nakapagtala ang GMA ng total day audience share na 46.5%, kumpara sa 20.8% ng ABS-CBN at 13.3% ng TV5.

Sa Mega Manila na bumubuo sa 55% ng total urban TV households nationwide, pumalo sa 48.8% ang score ng GMA kumpara sa 18.9% ng ABS-CBN at 14.1% ng TV5.

Ang Pacquiao-Margarito boxing bout ang nanguna sa listahan ng overall top 30 programs sa National Urban Philippines. Umabot sa 23.2 ang people rating points nito.

Sinundan ito ng GMA Flash Report, na nagpalabas ng mga ulat hinggil sa Pacquiao-Margarito fight, at nagtala ng 18.1 rating points.

Share