Kamis, 25 November 2010

Martin Nievera and Sarah Geronimo COncert on February!

Kahapon ang presscon nina Sarah Geronimo at Martin Nievera para sa kanilang concert sa February 2011.


Yes, next year pa po ang Valentine’s Day concert nina Sarah at Martin pero maagang nagpatawag ng presscon ang produ ng kanilang first ever show together sa Araneta Coliseum.

Favorite ko si Sarah kaya dumiretso ako sa presscon nila ni Martin pagkatapos ng taping namin sa Tweetbiz.

Aba, palaban na si Sarah sa pagsagot dahil may mga hirit siya sa mga nagtatanong tungkol sa kanyang lovelife. May inspirasyon ngayon si Sarah pero ayaw niyang sabihin ang name dahil tiyak na pagpipistahan ito ng mga reporter.

Huli kaming nagkita ni Sarah sa contract signing namin para sa Cebuana Lhuillier. Sa mga nagtatanong tungkol sa aming TV commercial na ginawa, ipalalabas pa rin ito pagkatapos ng Pasko. Ang solo commercial muna ni Sarah ang mapapanood ngayon sa mga TV station sa Pilipinas.

Share