Kamis, 11 November 2010

Sobrang bait na tao ni Marian!” -- Jake Cuenca

All-praises si Jake sa kaparehang si Marian.


“Walang akong masabi tungkol sa kanya. Sobrang bait na tao. Hindi mo iisiping isang Marian Rivera na ang katrabaho mo. Ang saya sa set, kaya kahit ilang araw na lang ang shooting namin, parang nakaka-miss, parang sana, mas matagal pa.

“Mabait si Marian, hindi nakaka-intimidate katrabaho at hindi ka na ‘yung mag-iisip pa ng effort para lang maging kaibigan siya,” kuwento ni Jake tungkol kay Marian.

Sey pa ni Jake, nagtataka nga raw siya na iba ang naglalabasang isyu sa bagong kapareha.

“Hindi rin naging isyu na Kapuso-Kapamilya, walang ganoon.”

Share