Senin, 01 November 2010

Three giant network offers exclusive contract to Venus Raj

FEeeling professional mo-del na talaga si Venus Raj sa isang fashion show sa SM Mall of Asia.


Suot niya ang bagong clothes summer collection 2011 ng Lee.

Hangang-hanga kay Venus ang buong audience nang lumabas siya sa entablado. Taglay ni Venus ang kakaibang charm at gracefulness kumpara sa mga kasamahan niyang celebrities na rumampa tulad nina Bianca Manalo, Priscilla Meirelles at Rich Herrera.

Anyway, nang makausap naming personal si Venus, nasabi niyang kanyang itutuloy ang acting career next year pagkatapos ng kontrata niya sa Bb. Pilipinas Charities sa September 2011.

Ani Venus: “Yes, my priority is GMA7. In fact kukunin nila ako bilang contract star. Pero, hindi pa ako puwedeng pumirma sa kanila, kasi, under contract pa ako ng BPCI. Saka, mahihirapan kong pagsabayin ang acting at ang responsibilties ko bilang Bb. Pilipinas Universe. Marami rin akong personal appea-rances, bukod sa pagiging product endorser ko ng iba’t ibang produkto.

“Totoo, may big offer sa akin ang TV 5. Meron din sa ABS-CBN. Pero, priority ko nga ang GMA7,” wika ni Venus sa aming interbyu.

by Noel Asiñas


Share