Rabu, 02 Februari 2011

Eat Bulaga, Magiging Kapatid na rin?


May nagsi-circulate na tsika na lilipat sa TV5 ngayong taon na ito ang Eat Bulaga.

Ang Eat Bulaga ay produced ng TAPE, Inc. na pag-aari ni Mr. Tony Tuviera at blocktimer sila sa GMA 7.

Nang makita ko sa isang party ni Ms. Malou Choa-Fagar na namamahala sa longest running noontime show ay kaagad ko siyang inusisa tungkol sa nasabing tsika.

Hindi na nagulat si Tita Malou.
“May shows kasi ang TAPE, Inc. ni Mr. Tuviera na iko-co-prod niya sa TV5, kaya ‘yung iba, ganoon ang iniisip. Pero may kontrata kami sa GMA 7 hanggang 2012,” pahayag ni Tita Malou.

Share