Kamis, 19 Agustus 2010
Susunod na serye ni Marian, gagastusan ng husto ng GMA7
Hindi kami magbibigay ng hints sa mismong story ng susunod na serye ni Marian Rivera. Kahit kami ay excited sa gagawin niyang proyekto. Isang original story ang papasukin ng GMA Network sa bagong genre na kanilang iiintroduce sa publiko pero balita namin ay bumili na ang Kapuso Network ng hindi bababa sa isang warehouse para sa nasabing serye.
Title role ang gagampanan ni Marian kung tuloy ang original title nito. Gagawa ng isang bagong mundo ng imahinasyon ang GMA ngunit hindi ito telefantasya. Madaming dapat abangan ang GMA Network. Dapat lang na bigyan nila ng importansya si Marian dahil pawang mataas ang rating ng mga show ni Marian at binibili ng ibang bansa ang MariMar.
Share
