Get paid To Promote at any Location

Kamis, 16 September 2010

Kyla busy sa paggawa ng kanyang album sa Malaysia!



Si Kyla busy sa paggawa ng kanyang album sa Malaysia. Ire-release rin ito sa ibang bahagi ng Asya.

Ang pag-record sa Malaysia ay kasunod lamang ng matagumpay niyang pagre-release ng kanyang album dun na dito niya ini-record. ‘Yung bago ay dun na mismo niya sa Malaysia gagawin at mga tagaroon din ang producers.

Hindi naman kataka-taka na magustuhan sa ibang bansa si Kyla. Bukod sa maganda ay talagang magaling itong singer. Hindi lang ito basta kumakanta, bumibirit din siya. Very proud nga ako sa kanya dahil dati siyang taga-That’s Entertainment. O ’di n’yo alam ’di ba? Yes, nag-That’s din si Kyla pero ibang pangalan pa ang ginagamit niya, ‘yung real name niyang Melanie. At hindi siya solo. Before, member siya ng isang female singing group na tinatawag na Tangerine.

German Moreno
Pilipino Star Ngayon

Share