Si Prince Stefan ang solo featured artist sa special edition ng X-Ray Junior Magazine.
May kinalaman sa kanyang showbiz career ang pagpayag niya na magpa-sexy sa pictorial.
“It was a career move. My big step as I’d like to call it. Inihahanda ko ang sarili ko para sa mas challenging at mature na roles this 2010 and 2011. Ibang Prince na ang makikita ng tao.
“At first, I was a bit hesitant about doing the sexy photoshoot. And then I thought, ‘Hanggang ganito na lang ba ang offer? Sa pagpapa-sexy na lang ba?’
“Ang gusto ko kasi talaga, maging mahusay na aktor ako. But what really motivated me is that I can repackage myself by doing this.
“Kailangan ko na rin na gumawa ng big step. And I’m very happy that everything turned out well.
“Marami ang nagulat sa sexy pictorial ko pero halos lahat ng nagpapadala ng comments sa Facebook ay natutuwa.
“Binati ako ng boss namin for a job well done at sabi nila, maganda ang kabuuan ng project.
“Nakakatuwa na araw-araw, mula dito at kahit sa ibang bansa ay may nagpapadala ng encouraging comments at suporta sa akin.”
Kasabay ng paglabas ng X-Ray ang balita tungkol sa patuloy na paghahanap ni Prince sa kanyang ama na isang prinsipe sa Dammam, Saudi Arabia.
Umaasa si Prince na magkikita sila ng kanyang ama, sa tulong na rin ng Reunions, ang Sunday show ni Jessica Soho sa QTV 11.
“Nakausap na ng Reunions staff ang tita at mama ko .
Binalitaan nila ako na meron daw posibleng koneksyon na makakapagturo kung nasaan ang tatay ko.
“Nag-try din kami hanapin siya sa Royal Embassy of Saudi Arabia. As of now, kinukumpleto pa namin ang proseso and we are hoping for positive results,” pahayag ni Prince.
Share
