Naungusan na nang todo ng GMA Network ang kalaban nitong istasyon sa TV ra tings sa Mega Manila at Urban Luzon base sa datos na galing sa Nielsen TV Audience Measurement. Nanguna ang Kapuso programs sa listahan ng top shows mula nu’ng Oct. 11-17.
Nagtala ng average audience share na 30% sa Mega Manila, eh, 55% ang total urban household population sa Mega Manila sa buong bansa, huh!
Bale 19 programs ng GMA ang nasa top 30 over all TV programs sa Mega Manila at ang unang apat ay nasa GMA Telebabad. Ito ay ang Ilumina nina Rhian Ramos at Jackie Rice na 14.9 ang people ratings at ang Grazilda nina Glaiza de Castro at Geoff Eigenmann na se cond ay may 13.6 points.
Ilan pa sa programs ng GMA na talaga naman tinututukan ay ang Survivor Philippines, 24 Oras, Endless Love, Pepito Manaloto at Kapuso Mo, Jessica Soho.
Sa Total Ur ban Luzon, umak yat din ang lamang ng Channel 7 na ang nakuhang average total day audience share ay 37% at labing anim sa top 30 TV shows ay mula sa Channel 7.
Share