Get paid To Promote at any Location

Kamis, 07 Oktober 2010

Mark, bongga ang ‘nota’ sa internet!

Mabilis na kumalat itong webcam scandal na kinasasangkutan ni Mark Herras.

 (Click the picture to enlarge)

Nagsimula ito sa Pinoy Exchange website kung saan merong ka-chat daw si Mark na isang RJ Solis at ipinakita nito ang ari niya.

Ang kumalat sa internet ay ang litrato ni Mark na nakaharap sa webcam at ang sumunod na frame ay naka-focus sa isang malaking ari na hawak ng isang kamay. Pinapalabas na kay Mark iyun.

Nang kumalat ito sa internet kamakalawa nang gabi, kaagad na nabura ang link nito sa Pinoy Exchange pero marami pa rin ang naka-save nito at nagkalat sa ilang internet site.

Tinext ko si Mark para kumpirmahin ito pero hindi siya sumagot. Si Nadia Montenegro lang ang nakausap ko na ipinarating naman nito agad sa aktor.

Tinawanan lang ito ni Mark at kaagad na pinabulaanan ang balita.

Text ni Nadia sa akin, “Hindi raw siya. Pinagtawanan lang niya. Grabe naman daw, palpak ang pagkaka-edit. ‘Di man lang inaayos.

“Naniniwala ako kay Mark. Please put an end na lang sa issue. Kawawa naman. Wala naman sakit ito ng ganu’n para gumawa ng kababuyan na ganu’n sa pics/video or whatever. Buo ang tiwala ko kay Mark.”

Hinanap ng mga reporter si Mark kahapon pero iniwas na ito ni Nadia na magsalita.
Pati si Ynna Asistio ay ayaw magsalita tungkol dito dahil hindi raw kailangang patulan pa.

Si Manay Lolit Solis ang una na*ming nakunan ng reaksyon at wala raw siyang alam tungkol diyan.

Tinanong kami kung hindi ba nakakahiya ang nakabalandarang ari sa internet. Sabi namin, hindi naman at bongga nga!

“Hayaan na! Bongga naman pala. Lalo nilang pagnasaan si Mark niyan!” tili ni Manay Lolit sa amin.

Tatanungin lang naman daw niya si Mark kung totoo ba ito o hindi, “Kung totoo, aminin! Kung hindi eh dedma na lang!” Desisyon ni Mark na ayaw na niyang patu*lan ito dahil wala raw katotohanan.

Share