Get paid To Promote at any Location

Senin, 11 Oktober 2010

Mga Fantaserye ng ABS-CBN, Nangunguna!


Umariba ang bagong ABS-CBN fantaserye sa pilot episode nito at pumalo sa national rating na 34.4% kumpara sa kalaban na may 22.7%, base sa datos ng Kantar Media.

Ang primetime soap nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ay agad humarurot paakyat sa ikalawang puwesto at kinapos lang ng katiting na puntos para maungusan ang nanatili pa ring #1 soap noong Oktubre 4 (Lunes) na Noah (34.5%).

Lalong naging exciting ang Primetime Bida ng ABS-CBN sa pagpasok ng Imortal. Nananatiling namamayagpag ang Kapamilya Network nationwide.

Para sa buwan ng Setyembre, nakatamo ng average audience share ang ABS-CBN na 40% na lamang sa GMA7 na mayroon lang 34.%.

Nasa ikatlong puwesto ang TV5 na may kakarampot na 8% at malayung-malayo pa rin sa bakbakan sa ratings sa pagitan ng ABS-CBN at GMA.

Malapit na itong mapatalsik sa puwesto ng Studio 23 na humahabol sa average audience share na 5%.

Siyam sa top 10 na pinakapinapanood na programa nationwide sa Setyembre ay mula sa ABS-CBN -- kabilang ang Agua Bendita (32.6%), Noah (34.1%), TV Patrol (32.6%), Wansapa*nataym (29.1%), Momay (27.7%), Maalaala Mo Kaya (27.4%), Idol (26.9%), Kokey@Ako (25.9%), at TV Patrol Weekend (24.8%

Share